Stories >

Samba

Samba

Kung ‘di sa bala
Ay sa salita
Talak lang magdamag
Wala namang gawa

Ang ebanghelyo
Diyan sa sambuhay
Humayo raw kayo
At pumatay

Wala raw siyang pakialam sa’yo, alam sa’yo
Kung mahirap ka’y mamatay ka raw sa gutom
Binubugbog ka na’t pinatatahimik pa
Putok na’ng nguso mo, ‘di ka pa makahinga

Pinapatay ka na
Sinasamba mo pa
Pinapatay ka na
Sinasamba
Sinasamba
Sinasamba mo pa

Kung di sa bisyo
Ay sa perwisyo
Nililito ka na
Binabaliktad pa

Ang ebanghelyo
Ubusin ang buhay
Humayo na kayo
At pumatay

Wala raw siyang pakialam sa’yo, alam sa’yo
Kung mahirap ka’y mamatay ka raw sa gutom
Kung ‘di ka titirahin, poposasan ka.
Butas na’ng ‘yong bulsa, hiningan ka pa ng piyansa!

Pinapatay ka na
Sinasamba mo pa
Pinapatay ka na
Sinasamba
Sinasamba
Sinasamba mo pa

Kaliwa ka raw reklamador
Ba’t ‘di na lang tumulong?
Nung kumilos naman sabi niya
“Hoy wag masyado!”

Sumunod na lang ‘wag magulo
Nang di ka pag-initan
Armas ang padala
Kahit sakit ang kalaban.

Nasaan na ang lunas?
Bakit ‘di niya ilabas?
Nasaan na ang lunas?
Mula kay Satanas?
Nasaan na ang lunas?
Nasaan na?
Nasaan na?
Wala

Wala raw siyang pakialam sa’yo, alam sa’yo
Kung mahirap ka’y mamatay ka raw sa gutom
Pinadanak ang dugo, pinanghugas ng kamay

Hinanda niya ngang lahat, pero bahala ka sa hukay.

Pinapatay ka na
Sinasamba mo pa
Pinapatay ka na
Sinasamba
Sinasamba
Sinasamba mo pa

Pumapatay ka na
Sasamba
Sasamba
Sasamba ka pa ba?

Song

Search site