Stories >

Extra

Extra

Noong kasikatan pa ng mga Artista.
Sa Bawat Pelikula ay Gumaganap na Extra.
Upang Manonood ay Mabigyang Saya.
Ang mga Tao Paglabas ng Sine ay Humahanga.

Kakaiba itong Panahon ng Pangulo.
Gusto niya Lagi siya ang tanghaling Bida.
Ang Problema nga lang iba ang tingin niya.
Sa Extra Judicial Killings Doon siya Masaya.

Parang kwento talaga. kwento sa Pelikula.
Patay Dito Patay Doon kahit Natutulog pa.
Sa Sobrang Saya sa Ginawa Naglaan ng Pabuya.
10 Libong Halaga sa Bawat Report sa kanya.

Kalunos Lunos ang kalagayan ng mga Biktima.
Ng Extra Judicial Killings na siya ang Nagpasya.
Ipinagmalaki pa niya 35 thousand biktima.
Itoy Naisagawa sa ilalim ng Termino niya.

Ang mga Tulak at adik sa Kaunting Barya.
Wala pang Due Process Patay agad ang husga.
Bilyong korapsyon sa Phil-health at iba pa.
Di Man lang Nakulong Ipinagmalaki pa.

Poem

Search site