Ano ang mga yugto ng paglilitis sa International Criminal Court (ICC)?
Paano makikilahok ang mga biktima sa paglilitis sa korte?
Ang mga hukom ng ICC ang nagpapasya kung ang indibidwal ay maaaring lumahok sa anumang yugto ng paglilitis. Bukod pa dito, ang mga hukom ng ICC ang nagpapasya kung ang indibidwal ay biktima ng isang krimen na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng korte at kung ang indibidwal ay may karapatan sa reparasyon sa kaganapan ng paghatol.
Ipinapaalam sa mga biktima ang anumang balita o pagbabago sa bawat yugto ng paglilitis, kabilang ang mga petsa ng pagdinig, mga desisyon ng korte, at anumang mga apela.
Sino ang itinuturing na “biktima” sa konteksto ng ICC? At paano sila makikilahok sa mga paglilitis ng korte?
May abogado ba ang mga biktima?
Ang mga biktima ay may karapatan na mairepresenta ng isang abogado sa ICC.
Sina Atty. Joel R. Butuyan at Atty. Gilbert T. Andres ng Center for International Law (CenterLaw) ay akreditado ng ICC upang kumatawan sa mga biktima. Sila din ang kasalukuyang kumakatawan sa mga biktima sa imbestigasyon na isinasagawa sa Pilipinas.
Kung ang mga biktima ay nangangailangan ng tulong mula sa mga abogado ng CenterLaw, maaaring bumisita sa aming opisina sa Makati o makipag-ugnayan sa amin sa [email protected] o tumawag sa amin sa (02) 8527 6317.
Ang serbisyo at representasyon ng CenterLaw ay walang bayad.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng “pakikilahok bilang biktima” at “pagtestigo bilang saksi?”
Kapag ang isang indibidwal ay nakikilahok bilang biktima, kusang-loob niyang ipinapahayag ang kaniyang mga pananaw at alalahanin sa pamamagitan ng kanyang legal na kinatawan, at hindi niya kailangang magpakita ng personal.
Kapag ang isang biktima ay tumetestigo bilang saksi, nagbibigay siya ng ebidensya sa panahon ng paglilitis nang personal.
Ang isang indibidwal ay maaaring makilahok bilang biktima at tumestigo bilang saksi.
Paano ako makakapag-apply para lumahok bilang biktima sa mga paglilitis sa ICC?
Ang Victims Participation and Reparations Section (VPRS) ay nagbibigay ng electronic application form. Makipag-ugnayan sa VPRS sa [email protected].
Sino ang may access sa aking impormasyon? Paano mapoprotektahan ang aking pagkakakilanlan?
Habang ang ilang impormasyon ay maaaring maging available sa publiko sa panahon ng paglilitis sa korte, ang korte sa pangkalahatan ay hindi ginagawang available sa publiko ang mga pagkakakilanlan ng mga biktima.
Sa pagsulong ng paglilitis, ang mga hukom ng ICC ay magpapasya kung ang impormasyong nakapaloob sa application form ay ibabahagi sa Prosecutor at sa Depensa.
Kung ang isang biktima ay may mga alalahanin sa kaligtasan tungkol sa anumang impormasyon sa aplikasyon, ang mga alalahaning ito ay dapat na banggitin sa form.
Para sa seguridad, mangyaring panatilihing kumpidensyal ang katotohanan na ikaw ay nakikilahok sa ICC.