Lugar, kung saan ako ay isinilang
Lugar, kung saan ako ay nagkamalay
Lugar, kung saan, marami akong karanasan
Lugar, kung saan, magulo, mahirap pero may kaligayahan.
Kinamulatan ko na dito, ang ingay at away
Kinamulatan ko na dito, ang lugar na di nawawalan ng tambay.
Kinamulatan ko na dito, na parang walang asendo
Oras ay tumatakbo, pero walang nababago…
Noon,,ang gobyerno, pulitiko ay madalas na andito
Di ko alam, pero parang ginagamit lang nila mga tao
Iba ibang tao, iba ibang pulitiko ang nagpakilala mula dito
Nakipagkaibigan, nakisalamuha, ngunit madalas… para silang bula.
Anong meron sa San Andres Bukid?
Yan ang naging tanong ko sa sarili.
Sa dami ng umabuso at nagsamantala,
Meron pa ring mabuting loob ang lumapit dito.
Sa panahon ng patayan,pandemya at kalamidad
Tinuring na “Hulog ng Langit” ang umalalay at sumoporta
Dahilan ngayon kung bakit may tibay, tapang at paninindigan,
na naging katangian ng mga residente
ng SAN ANDRES BUKID!!!
Poem